Dec 11, 2008

3 gold farmers patay sa soil erosion sa Comval

Source: http://www.bomboradyo.com/newsdetails1.asp?ID=59761

12/11/2008 2:10:33 PM
DAVAO CITY - Tatlong mga gold farmers ang nasawi sa nangyaring soil erosion sa Sitio Bango, Bgry. Ngan, Compostela Valley province.

Kinilala ang mga biktima na sina Janil Gonzales, Johnny Gonzales at Julius Guevarra.

Sa impormasyong nakarating sa Bombo Radyo Davao, sinasabing sinubukan ng tatlo na i-divert ang daloy ng tubig sa ilog ng Monkayo ng bigla na lamang mahulog ang malalaking bato mula sa gilid na bahagi ng bundok na bahagi ng nasabing ilog na naging sanhi ng agarang kamatayan ng tatlo.

Nangyari ang nasabing insidente dakong alas kuwatro y medya ng hapon, ngunit kaninang umaga pa lamang narecover ang mga bangkay ng mga gold farmers.

Patuloy pa ngayon ang imbestigasyon kung may kinalaman sa paggamit ng dinamita ang nangyaring soil erosion.

No comments: